Saturday, October 1, 2011

Ano nga bang plano ko?

Mejo okay nako after kong maholdap kahapon. Ayaw ko man pumasok kanina dahil sa traumatic event na yun, pumasok pa din ako. Hindi ako pwedeng magkulong sa bahay habambuhay dahil lang sa nangyari kahapon.

1 to 5pm ang klase ko sa Principles of Management. Puro recitation siya kaya interactive yung class. I prefer that better. Isa isa kaming tinanong kanina. What would you be after 10 years?

Marami sa mga classmates ko ang gustong mag-abroad. Yung iba naman gutong maging rapper or dancer (Take note: IT po kaming lahat). Napa-isip talaga ako ng malalim. Pero wala akong maisip. Sabi nung prof ko, dapat daw may nai-imagine na kaming plans in the future ngayon pang graduating na kami.

Nung ako na ang sasagot. Sabi ko na lang:I am working as a freelancer because I want to do different things beyond my field (IT). Tahimik ang lahat.Hindi ata nila alam ang meaning ng freelancer.

Pero hindi pa din definite yung sagot ko na yan. ALIBI lang yan. I am still pondering the answer. Merong part sken na gustong maging photographer... Architect...minsan gusto ko lang mag-travel.

Naiinggit ako sa iba na gustong maging system analyst, database administrator etc... Specific sila. Alam nila yung direction na pupuntahan nila.

Ikaw... Ano gusto mo maging?

No comments:

Post a Comment

Spill it. It helps.